Improving myself.

Ako si Rey Audie, for short, Rey. Katorse-anyos. Single at straight. Nakatira sa bahay namin. Nagbablog. Nagtatype. Nageenjoy.

Samahan ako sa isang masaya at kaaliwa-aliwalas na adventure kasama ang mga titik at tuldok ng posts ko at sinisiguro kong humihinga ka. Ayon sa bilang, at

Kapansin-pansin lang.

What’s with Tumblr? These daays napapansin ko na para bang nagkakaroon na ng side ang Tumblr na kapag gwapo, o maganda, at FAMOUS, may Tumblr na. Kahit ang laman lang naman ay mga mukha nila. Mga mukha nila. Mga mukha nila. Na hindi ko alam kung bakit nila ipinopost? ? ? Dapat bang ipakita pa yung mukha mo pa ng paulet-ulet? Nagtataka lang talaga ako e. Marmai namang magagawa sa Tumblr, pero bakit ganun?

(via nebuladreamer)

Hindi ko naman hiniling ang magkalovelife eh, hinihintay ko lang.

Some random shits I saw at my father’s phone. Haha.

Puro nalang incoming freshmen.

Eh pano naman kaming incoming seniors? Senior high school. Hahaha. Pero wala tayong magagawa, mas importante muna sila ngayon, tapos next year, kami na! Taena yan! Kami na pala next year. Gagraduate na pala ako. Ayokong irealize. Ang sakit sa heart. Yung mga times na…

*nagfaflashback*

  • Hingian ng polbo at papel
  • Hiraman ng mga ballpen at lapis.
  • Makikikain sa mga snacks
  • Picture dine, picture doon
  • Kung saan-saan nakakarating
  • Nagkokopyahan sa exams
  • Hinihiram phone mo para pakialamanan
  • May nag-aaway tapos magbabati
  • Pero minsan, hindi nagbabati

Mamimiss ko yun. Ang close ko sa 35 kong kaklase. Pero hindi sila close sa akin. Alam mo yung ganung feeling. Kaya by this school year, pag di sila tumino, lagot sila saken.

heyfunniest:

heyfunniest:

(via dalecute)

Someone Like You

 ”Well, I wrote that song because I was exhausted from being such a bitch, with ‘Rolling In The Deep’ or ‘Rumour Has It’ … I was really emotionally drained from the way I was portraying him, because even though I’m very bitter and regret some parts of it, he’s still the most important person that’s ever been in my life, and ‘Someone Like You,’ I had to write it to feel OK with myself and OK with the two years I spent with him. And when I did it, I felt so freed.” -Adele

—-

Yes, you’re right. The title portrays the wonderful song Adele sang and composed. Right now, it just plays continuously and honestly, I am enjoying every tone and word I am hearing. I love how this song accompany my emotions; sad or mad. It’s just simple and yet soulful. I would just want to give Adele five thumbs-up for a great song. And yet I  hope that this is not the end of her beautiful records. :D

Mutya ng Peñaranda 2012

Oh yeah. Yan yung pinagpuyatan namin kagabi. Kahit ba wala kaming sinusuportahan, eh nag-enjoy naman kami kahit papaano. Kahit sobrang antok na antok na at nngawit na ngawit na, nagtiisan e. Tapos 2:30 natapos? Haha. Oh and BTW, itetelevise siya sa TV48 which is our province’s channel. :D

Congrats sa mga nanalo! :D

Sakal Sa Lipunan

Ilang taon na ba tayong nakatayo sa modernong lugar ng panahon? Nangangawit na ang mga paa natin sa paghintay sa totoo at tama ngunit ano ba ang matagal na nating inaabangan? Ang totoo? Ang tama? Nasaan? Magpapakita pa ba ito?

Anong taon na ba? Hindi na talaga nadala ang madla sa pag-aantabay sa mahuhusay at magagaling. At kung kailan pa talaga mas nagkakautak na pati ang mga paslit sa kalsada, noon lang tayo huminto at tumigil.  Umupo at nagpahinga. Ngayon pang lalong lumalala ang hapdi ng kahirapan at ekonomiya sa Pilipinas. Ako sa sarili ko ay hindi na maisip kung gaano tinitiis ni Inang Bayan ang mga sugat na aabutin pa ng ilang panahon para pagalingin.

Tama? Totoo? Tapat? Ano pa ba ang mga pang-uri na dapat ihagis sa mga tao sa likod ng puno? Ang puno, kung saan lipunan ang dahon, at sila ang mga tagapag-alaga, ay buhay pa ba? Ang bawat banayad na haplos ng hangin, nagkikinang na ilaw ng araw, malamig na agos ng tubig at bukal na pagmamahal, naibigay ba? AT kung mayroon man, naibabahagi ba? O itatabi sa sarili?

Nababaliw na ako. Gusto ko nang apurahin ang oras para dahan-dahang lumakad patungo sa kinabukasan. At sa pagdating ko ng hinaharap, nawa’y tama, totoo, tapat na ang mga hardinero ng puno ng lipunan. Dahil masakit na ang sakal sa lipunan ng bawat suliraning haharapin ng mga tagapag-alaga ngunit itatapon sa puno. At sawang-sawa na ako doon, tayo.